
Talaan ng Nilalaman
Mga Binhi ng Patnugot
Luntiang Panulaan
Hardin ng Kuwento
Sanga-sangang Sanaysay
Bukid ng Salin
Punla ng Dula
Mga Natatanging Sining
Panauhing Patnugot ng Espesyal na Isyu
Si Dr. Pia Arboleda ay Propesor ng Filipino at Kulturang Pilipino, Direktor ng Center for Southeast Asian Studies, at Tagapangulo ng Konseho ng School of Pacific and Asian Studies (SPAS) sa University of Hawaiʻi at Mānoa. Dati siyang nagsilbing Direktor ng Center for Philippine Studies at Tagapangulo ng Department of Indo-Pacific Languages and Literatures. Ginawaran siya ng University of Hawaiʻi Board of Regents’ Medal for Excellence in Teaching at Lapu-Lapu Award for Education. Nakatuon ang kanyang pananaliksik at gawain sa wikang Filipino, kuwentong-bayan, panitikan, pagsasalin, digital humanities, at mga makabagong pamamaraan sa pagtuturo ng wika at kultura. Kabilang ang kanyang mga akda sa mga antolohiyang tulad ng Forbidden Fruit: Women Write the Erotic, Kung Ibig Mo: Love Poetry by Women, Kamalayan: Feminist Writing in the Philippines, Woman and Religion, The Baguio We Know, at iba pa. Gumagawa rin siya ng mga kagamitang multimedia hinggil sa kuwentong-bayang Pilipino, at tagasalin siya sa Filipino < > Ingles.
Mga Kontribyutor
Si Patricio “Jojo” N. Abinales ay Professor Emeritus ng Asian Studies sa University of Hawaiʻi at Mānoa. Lumaki siya sa hilagang-kanluran ng Mindanao at nagtapos ng BA sa History sa University of the Philippines Diliman. Nakamit niya ang kanyang MA at PhD sa Government at Southeast Asian Studies sa Cornell University. Bago sumali sa UH Mānoa noong 2011, nagturo siya sa Ohio University at naglingkod bilang mananaliksik sa Center for Southeast Asian Studies ng Kyoto University.
Nakatuon ang kanyang pananaliksik sa kasaysayan at pulitika ng Pilipinas, partikular sa Mindanao, gayundin sa pulitika ng Timog-Silangang Asya, pagbuo ng estado, mga political clan, karahasang pampulitika, at mga impormal at ilegal na sektor ng ekonomiya. Kabilang sa kanyang mga aklat ang Making Mindanao: Cotabato and Davao in the Formation of the Philippine Nation-State, Orthodoxy and History in the Muslim-Mindanao Narrative, at Presidents and Pests, Cosmopolitans and Communists. Co-author din siya, kasama si Donna J. Amoroso, ng State and Society in the Philippines. Bukod sa kanyang gawaing akademiko, nagsusulat din siya ng mga komentaryo at pagsusuri tungkol sa pulitika at lipunan ng Pilipinas.
Si Hanna-Lou B. Aguilar ay first-year na estudyante sa New Media Arts Program sa Kapiolani Community College. Mahilig siya sa pagdodrowing, sa pagsusulat, at sa paglalaro ng mga video game. Kaya, nais niyang maging animator at game developer sa kinabukasan para maibahagi ang mga creative works niya.
Mula sa Cavite, Philippines, si Ronn Angeles ay naging fellow (tula) sa Siliman Writers Workshop at sa IYAS National Writers Workshop. Nagwagi ang kanyang mga akda sa Amelia Lapena-Bonifacio Literary Contest at sa Gemino H. Abad Awards for Poetry and Literary Criticism.
Si Erigo Miguel Arboleda ay graduate ng Osaka School of Culinary Arts at ng Kapiolani Community College Culinary Program na may specialization sa Culinary Arts at Pastry Arts. Nagtrabaho siya bilang chef sa isang rehabilitation facility sa Malibu at sa The Hollywood Roosevelt. Ngayon chef siya sa Mic Drop Karaoke sa Los Angeles.
Ipinanganak sa Pilipinas, si Marvin Balagulan ay isang masigasig na guro na may mahigit 14 na taong karanasan sa pagtuturo ng wikang Filipino at panitikan sa iba’t ibang antas ng edukasyon. Nagsilbi siya bilang Assistant Professor sa Isabela State University at Graduate School Professor sa Our Lady of the Pillar College. Nagtapos si Marvin ng Bachelor of Secondary Education at Master of Arts in Education, kapwa may espesyalisasyon sa Filipino. Nakumpleto rin niya ang mga kinakailangang kursong akademiko (ABD) para sa Doctor of Education na may espesyalisasyon sa Language Education-Filipino sa Isabela State University. Sa labas ng silid-aralan, nakakahanap si Marvin ng inspirasyon sa mga pelikulang horror at science fiction sa Netflix—isang hilig na madalas ding nagsisilbing inspirasyon sa kanyang pagsulat ng tula. Isa siyang multilingguwal na mahusay magsalita ng Ilokano, Tagalog, Ybanag, at Ingles. Bitbit niya ang matibay na paniniwala sa kapangyarihan ng pagpapalitan ng kultura at makabuluhang diyalogo.
Kasalukuyang guro si Ivan Paul Bondoc sa Kagawaran ng Linggwistiks sa Pamantasan ng Toronto. Nagtapos siya ng PhD sa Linggwistiks sa Pamantasan ng Hawai’i sa Manoa, at bahagi ng kanyang pananaliksik ang psycholinguistics at speech pathology lalo na sa mga wika sa Pilipinas.
Si Angeli Callo ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Philippine Language and Culture sa University of Hawaiʻi at Mānoa. Kasalukuyan siyang kumukuha ng Master of Education in Learning Design and Technology. Bago ito, nagtapos siya ng Tourism Management sa Pilipinas at Liberal Arts sa Honolulu Community College, kung saan naging miyembro siya ng Phi Theta Kappa Honor Society bilang pagkilala sa kanyang kahusayang akademiko. Isa rin siyang mang-aawit na nakapagtanghal at nakapagtala ng musika sa iba’t ibang bansa. Ang kanyang pagmamahal sa musika at kulturang Pilipino ay naging mahalagang bahagi ng kanyang pagtuturo bilang faculty member ng Filipino Program sa UH Mānoa. Madalas din siyang inaanyayahang umawit sa mga espesyal na programa at gawaing nagtatampok sa kulturang Pilipino. Kabilang dito ang isang palatuntunan para kay National Artist for Music Maestro Ryan Cayabyab, na naging mentor niya sa musika noong nasa Pilipinas pa siya. Bilang pagkilala sa kanyang ambag sa sining at sa pamayanang Pilipino sa Hawaiʻi, ginawaran siya ng Hawaii Filipino Women’s Club Outstanding Woman Achiever in Arts & Entertainment.
Si Mc Millan Nicol Ching ay isang gradwadong mag-aaral ng Philippine Languages and Literature: Filipino at Molecular Biosciences and Biotechnology sa University of Hawaiʻi at Mānoa. Siya ay isang mananaliksik sa larangan ng Biomedical at Clinical Research Sciences, kung saan nakatuon ang kanyang gawain sa pag-unawa sa mga suliraning pangkalusugan at agham na may kaugnayan sa kalagayan ng tao. Bukod sa kanyang pananaliksik sa agham, si Ching ay isa ring manunulat ng tula. Madalas niyang talakayin sa kanyang mga akda ang mga temang may kinalaman sa kalusugang pangkaisipan, adiksyon, at mga karanasan at paglalakbay ng buhay. Sa pamamagitan ng kanyang panitikan, pinagsasama niya ang pananaw ng agham at damdamin ng tao upang mailarawan ang mga kuwento ng pakikibaka, paghilom, at pag-asa.
Ipinanganak si Rod Neil David sa Pilipinas at ginugol ang kanyang mga unang taon sa Bulacan at Pampanga. Noong bata pa siya lumipat ang kanyang pamilya sa Guam at kalaunan sa Hawai‘i. Noong 2007, bumalik siya sa Bulacan upang higit pang mapalalim ang kanyang pag-unawa sa wika at kulturang Filipino. Bumalik siya sa Hawai‘i noong 2012 at nagtapos sa Moanalua High School noong 2016. Noong 2021, nakamit ni Rod ang kanyang Bachelor of Science in Biology, na may minor sa Filipino Language and Culture mula sa University of Hawai‘i at Mānoa. Sa kasalukuyan, nagsisilbi siya bilang Administrative Support Specialist sa Center for Philippine Studies at Center for Southeast Asian Studies sa UH Mānoa. Sa kanyang libreng oras, nasisiyahan si Rod sa paglalaro ng pickleball, pag-hiking, at pagtakbo.
Si Ron Gerald M. Feliciano ay nagmula sa Lungsod ng Muntinlupa at kasalukuyang naninirahan sa Honolulu, Hawaii mula pa noong 2010. Nagtapos siya ng kolehiyo sa University of Hawai’i at Manoa at nagtapos siya nang Cum Laude sa kursong Sikolohiya (Psychology) at Philippine Language and Culture. Kung papipiliin siya ng isa sa pinakatumatak na kurso sa kanya noong kolehiyo ang “IP 431 Rizal’s Literary Works in Translation.” Nagkaroon siya ng pagkakataong basahin at panoorin ang Noli Me Tangere dahil marami sa mga estudyante ang hindi nagkaroon ng oportunidad na mabasa at mapanood ito.
Si Steven James Fluckiger ay nagtapos sa University of Hawaiʻi at Mānoa noong Mayo 2018, kung saan nakamit niya ang kanyang Master’s degree sa Kasaysayan ng Pilipinas. Nakatuon ang kanyang pag-aaral sa kasaysayan ng kababaihan at mga minoryang kasarian sa Pilipinas noong nagsimula ang kolonisasyon ng Espanya. Sa kasalukuyan, nagtuturo si Fluckiger sa isang correctional facility sa Arizona, Estados Unidos. Naging Fellow siya ng Fulbright 2023: Dunong at Kalinangan na ginanap sa De La Salle Dasmarinas.
Si Samantha Guinto ay isang junior undergraduate scholar sa University of Hawaiʻi at Mānoa, kung saan kasalukuyan siyang nagpapakadalubhasa sa mga larangan ng Management Information Systems, Marketing, at International Business. Kinikilala dahil sa kanyang katangi-tanging akademikong kahusayan at kakayahang mamuno, siya ay parehong Presidential Scholar at Shidler Global Leader. Bukod sa kanyang pag-aaral sa komersyo, aktibo rin niyang ginalugad ang ugnayan ng panitikan at lipunan; sa kasalukuyan, nakatuon ang kaniyang akademikong pagsusuri sa interseksyon ng teoriyang feminismo at marxismo upang suriin ang mga istrukturang panlipunan at pangkasarian sa mga klasikong panitikang Pilipino.
Si Daisy Jane Isla ay Academic Support Specialist sa Study Abroad Center ng University of Hawaiʻi. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Mass Communications sa Saint Louis University sa Baguio City, Pilipinas. Isa rin siyang lisensiyadong propesyonal sa life at health insurance at bahagi ng isang financial group na tumutulong sa mga pamilyang mas maunawaan at ayusin ang kanilang pananalapi. May-akda rin siya ng mga travel guide tungkol sa mga isla ng Hawaiʻi—Meet Me in Maui at Oahu I Want You. Sa kasalukuyan, pinag-aaralan niya ang larangan ng real estate at naghahanda para sa pagkuha ng kaukulang lisensya.
Si Ruth Elynia S. Mabanglo ay makata, mandudula, guro, at retiradong propesor ng Filipino sa University of Hawaiʻi at Mānoa. Nagtapos siya ng BA sa Filipino sa University of the East, MA sa Filipino, Wika at Panitikan sa Philippine Normal College, at PhD sa Filipino sa Manuel L. Quezon University. Sa loob ng maraming taon sa UH Mānoa, naging mahalaga ang kanyang ambag sa pagpapaunlad ng Filipino at Philippine Literature Program, kabilang ang pagbuo ng kurikulum para sa BA sa Filipino at Philippine Literature. Naging tagapagtaguyod din siya ng pagtuturo ng Filipino, panitikan, pagsasalin, at kulturang Pilipino. Itinatag niya ang UH Katipunan Club, isang organisasyon ng mga mag-aaral ng Filipino. Bilang makata at mandudula, tumanggap siya ng maraming parangal, kabilang ang limang unang gantimpala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature na nagbigay sa kanya ng lugar sa Palanca Hall of Fame—siya ang kauna-unahang babaeng nakamit ang pagkilalang ito. Noong 2025, ginawaran din siya ng Gawad Dangal ng Lahi ng Palanca Awards bilang pagkilala sa kanyang natatanging ambag sa panitikan at edukasyon.
Si Emmanuel Jones Mante ay isang guro, direktor, at cultural worker na may mahigit isang dekadang karanasan sa akademya at sa teatro. Nagtapos siya ng Master of Fine Arts in Theatre Arts sa University of Hawaiʻi at Mānoa at Master of Arts in Theatre Arts sa University of the Philippines–Diliman. Siya ang co-founder at artistic director ng Young Thespians of Cebu at dating guro sa University of Cebu. Bilang artista at tagapagturo, nakatuon ang kanyang gawain sa paggamit ng teatro bilang daluyan ng edukasyon, pagpapalawak ng kamalayang panlipunan, pakikipag-ugnayan sa komunidad, at pagpapagaling. Bilang direktor, pinangunahan niya ang mga produksiyong gaya ng Indigo Child ni Rody Vera, The Yellow Boat ni David Saar, at ENOUGH: End Gun Violence. Naging aktor at puppeteer din siya sa ilang produksiyon sa Hawaiʻi, at patuloy niyang ginagamit ang teatro bilang lunan para sa malikhaing pagpapahayag, pag-uusap tungkol sa mahahalagang isyung panlipunan, at paghubog ng kamalayan sa kultura at identidad.
Si Markee Micu ay tubong Baguio at dating nanirahan sa San Francisco bago magtungo sa Hawaiʻi. Nagtapos siya sa University of Hawaiʻi at Mānoa ng Biology at Philippine Language and Culture. Dati siyang Ingat-Yaman ng Katipunan Club at kasalukuyan ding aktibo sa mga gawaing pang-akademiko at pangkomunidad na may kaugnayan sa mga Pilipino at sa diaspora. Sa Center for Philippine Studies, pinangunahan niya ang isang webinar tungkol sa West Philippine Sea, naging host ng Pinoy Food Stories at Pamana ng Lahi Teacher Training Webinar ng Center for Southeast Asian Studies. Isa rin siya sa mga tagapagtatag at tagapagdaloy ng Balik-Tanaw, isang kumperensiyang virtual na pinasimulan ng mga estudyante upang talakayin ang mga hamon at isyung kinakaharap ng mga Pilipino sa diaspora. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng medisina sa Ateneo de Manila School of Medicine at Public Health, dala ang kanyang interes sa agham, paglilingkod sa komunidad, at kulturang Pilipino.
Ken Reyes is a PhD candidate in Political Science at the University of Hawaiʻi at Mānoa and a youth and labor organizer. Nagtapos siya ng MA sa Political Science noong 2023 at BA sa Journalism noong 2016 sa University of Hawai’i at Manoa.
Si Sugar Shandy Reyes ay isang imigrante na ang hibla ng ugnayan sa sariling bayan ay unti-unting nakalas dahil sa distansya at paglipas ng panahon. Ngunit sa pakikinig sa mga kuwento ng iba—mga kuwentong sumasalamin sa sarili niyang karanasan—muli niyang binubuo ang ugnayang ito, gamit ang ibang sinulid. Sa kanyang paglalakbay sa bagong buhay, natutuhan niyang ang pagkatao ay hindi nabubuo sa iisang hibla lamang, kundi sa maraming karanasang nagtatagpo at nagkakaugnay upang mapalakas ang pagkatao niya ngayon.
Si Carmel Joy Sahagun ay isang Registered Behavior Technician (RBT) na nagtatrabaho sa mga batang nasa autism spectrum. Sa nakalipas na dekada, nakatuon siya sa community work at sa pagsuporta sa mga pamilyang may autistic na anak. Bagaman lumayo siya sa mundo ng panitikan upang ituon ang sarili sa kanyang propesyon at adbokasiya, nanatili ang pagsusulat bilang personal at malikhaing gawain na nakaugat sa kanyang mga karanasan at pagmamasid sa buhay.
Ipinanganak si Angel Sanchez sa Angono Rizal. Lumipat ang pamilya niya sa Hawaii noong Marso 2016. Nagtanggap niya ang kanyang double degree sa Philippine Language and Culture at Cinematic Arts, minor sa Second Language Teaching.
Si Kelvin Hanzlie Saraos ay isang Pilipino na lumaki sa Pilipinas at nag-migrate sa Hawaii noong bata pa lamang siya. Sa kasalukuyan, isa na siyang master’s student at gurong nagtuturo ng Filipino sa Kapiolani Community College. Dati siyang opisyal ng UH Katipunan Club.
Si Mica Moran Tabios ay isang mag-aaral na interesado sa larangan ng pangangalaga sa kalusugan at patuloy na natututo sa klase at sa praktikal na karanasan. Nakikilahok sa mga gawain upang mapaunlad ang kasanayan sa pag-aalaga, komunikasyon, at pag-iisip. Layunin niyang maging isang propesyonal na may malasakit, sipag, at integridad.
Si Jose R. Taton Jr. ay isang mag-aaral ng PhD sa Music (Ethnomusicology) sa University of Hawaiʻi at Mānoa. Mayroon siyang Master’s degree sa Ethnomusicology mula sa Philippine Women’s University. Kabilang sa kanyang mga larangan ng pananaliksik ang organolohiya, mga pagdiriwang, katutubong pedagohiya, at sound studies. Bukod sa mga gawaing ito, mahilig din siyang sumayaw, gumuhit, at tumugtog ng musika sa kanyang libreng oras.
Si Reymund John Tinaco, o mas kilala bilang Rey-Rey, ay isang mag-aaral ng Master of Arts sa Asian Studies na may konsentrasyon sa Pilipinas. Nagtapos siya nang cum laude ng Bachelor of Arts sa Philippine Language and Culture at Bachelor of Arts sa Second Language Studies sa parehong unibersidad. Nagsilbi rin siyang teaching assistant sa mga kursong Advanced Filipino at Philippine Culture. Naging intern siya sa Center for Southeast Asian Studies sa Hele Imua Program ng State of Hawaii.
Si Von Dickens Ulsa ay isang manunulat, mananalaysay, at pintor mula sa Honolulu, Hawaii. Nagtapos siya bilang magna cum laude na may tripleng B.A. sa American Studies, English, at History na may minor sa Philippine Languages and Culture sa University of Hawai’i at Manoa (2016). Nagtapos rin siya ng abogasya sa University of Wisconsin Law School (2022). Kasalukuyang naglalakbay at nananaliksik si Von sa buong Pilipinas at sa kabuuang timog-silangang Asya para sa librong nais niyang isulat tungkol sa mga sinaunang kaalaman at katutubong kasanayan sa etnoastronomiya at kosmolohiya ng mga Pilipino bago ang pananakop ng mga Kastila. Masusundan ang kanyang pakikipagsapalaran sa kanyang website (ofvon.com) o sa instagram (@ofvon).
Si Phoeberly Ungos ay Studio Art major sa University of Hawaii at Manoa. Labis siyang mahilig magpinta.
Si Haruka Waseda ay nagtapos sa University of Hawaiʻi at Mānoa noong Mayo 2026 ng Master of Arts in Asian Studies, na nakatuon sa pag-aaral ng Pilipinas. Ipinanganak siya sa Hawaiʻi at lumaki sa Japan. Naging malapit sa kanyang puso ang Pilipinas dahil sa kuwento ng kanyang pamilya. Lumaki sa Pilipinas ang kanyang ama noong bata pa ito, nang madestino roon ang kanyang lolo dahil sa trabaho. Ang karanasan ng kanyang ama at ang mga kuwentong kaugnay nito ang naging daan upang higit niyang makilala at mapahalagahan ang Pilipinas at kulturang Pilipino. Mahilig siya sa yoga at sa pakikinig ng OPM, lalo na sa pag-unawa sa mga kuwento at kahulugan sa likod ng mga liriko nito.
Si Lawrence Lacambra Ypil ay isang makata at manunulat ng sanaysay mula sa Cebu. Kasalukuyan siyang Assistant Professor sa Department of English ng University of Hawaiʻi at Mānoa, kung saan nagtuturo siya ng panitikan, malikhaing pagsulat, at creative nonfiction. Nagtapos siya ng MFA sa Creative Writing—Poetry sa Washington University in St. Louis bilang Fulbright Scholar at ng MFA sa Nonfiction Writing sa University of Iowa. May-akda siya ng The Highest Hiding Place, na tumanggap ng Madrigal-Gonzalez Best First Book Award, at The Experiment of the Tropics, na nagwagi sa kauna-unahang Gaudy Boy Poetry Book Prize at naging finalist para sa Lambda Literary Awards. Sa kanyang mga akda, pinag-uugnay niya ang teksto at larawan, kasaysayan at alaala, at ang materyal na kultura sa paghubog ng pagkakakilanlan. Antabayanan ang kanyang susunod na aklat, isang katipunan ng mga sanaysay, Dog-Ears in the Wrong Notebook (Faction Press, 2027).
Si Louward Allen Zubiri ay Lector sa Philippine Language Studies sa Yale University at bahagi ng Council on Southeast Asia Studies. Dati rin siyang lecturer sa University of Hawai’i at Mānoa Filipino and Philippine Culture Program. Nagtamo siya ng PhD sa Linguistics mula sa University of Hawaiʻi at Mānoa, kung saan nakamit din niya ang Graduate Certificate in Multilingual Multicultural Professional Practice. Nakatuon ang kanyang pananaliksik sa paglalarawan, dokumentasyon, pagkatuto, at pagpapanumbalik-sigla ng mga wikang Austronesyano at mga sistema ng pagsulat, partikular sa konteksto ng mga endangered at heritage na wika. Kabilang sa mga kinilala sa kanyang ambag sa Philippine language studies ang 2024 Excellence in Research Award mula sa UH Mānoa at ang kauna-unahang Sharing Language Diversity Fellowship ng Endangered Language Fund.
