Mga Nilalaman

Binhi ng Patnugot

Luntiang Panulaan

Hardin ng Kuwento

Sanga-sangang Sanaysay

Natatanging Akda

Mga Kontribyutor

Si Nerlissa Fernando Albia ay mula sa Santa Maria, Bulacan. Isang Guro II mula sa Parada National High School. Kasalukuyang kumukuha ng Master sa Sining ng Edukasyon sa Pagtuturo ng Filipino sa Bulacan State University (BulSU).

Isang dalubguro si Rose Ann Aler sa Filipino ng Camarines Norte State College. Kasalukuyang Puno ng Sentro ng Wika at Kultura sa kanilang paaralan sa ilalim ng Komisyon sa Wikang Filipino. Nakapaglathala ng kanyang mga tula sa RewriteCOP: World Bank Evolution Roadmap ng climatereality.ph, Scribblory, Verseve Zine, Dreamers Publishing House at Kalazine ng UP Diliman.

Si Roberto D. Ampil, LPT, PhD ay isang propesor ng Filipino sa Unibersidad ng Santo Tomas at dating tagapangulo ng Departamento ng Filipino. Nagtapos siya ng PhD sa Filipino sa PNU bilang iskolar ng CHED at may 27 taong karanasan sa pagtuturo, pananaliksik, at pagsasalin. Siya rin ay kasalukuyang Pangulo ng Sanggunian sa Filipino (SANGFIL) at tumanggap ng iba’t ibang parangal sa larangan ng edukasyon at pananaliksik.

Si Juanito N. Anot Jr. ay nagtapos ng Doctor of Philosophy in Philippine Studies-Language, Culture, and Media noong 2023 sa De La Salle University at ginawaran ng Outstanding Dissertation. Nagtrabaho sa Al Dura (Gems) International School, Jeddah Saudi Arabia. At kasalukuyang Director ng University Research Center sa Far Eastern University-Manila.

Si Evelyn P. Antonio ay nagtapos ng Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino – Wika, Kultura at Midya sa De La Salle University – Manila. Kasalukuyan siyang Tagapangulo ng Kagawaran ng General Education sa Manila Tytana Colleges. May-akda ng Retoke at iba pang mga dagli at Sarì: Isang Dagling Novella. Kasalukuyan siyang Ikalawang Pangulo sa Edukasyon ng Kataga, Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas, Inc. Rebyuwer din siya ng ilang institusyunal at pambansang journal sa pananaliksik at malikhaing pagsulat. Kasalukuyan siyang Graduate School Lecturer ng Philippine Normal University – Faculty of Languages and Literature.

Nagtapos si Chay Bacani ng B.A. Filipino noong 2009 at nalulong sa pagiging guro ng Basic Ed at alipin ng BPO industry, hanggang nitong 2022 kung kailan nakabalik siya sa Unibersidad ng Pilipinas para magturo bilang lecturer, at bilang mag-aaral ng M.A. Filipino (Wika). Binabalikan din niya ang rock at pop music, pati ang ilang mga anime ng kaniyang kabataan, kasama ang dalawa niyang makukulit na anak, kapag mayroon siyang panahon.

Si Emmanuel T. Barrameda ay kuwentista mula sa Virac, Catanduanes. Awtor ng mga aklat na Balager at Pamamahay. Kasalukuyang guro sa Malikhaing Pagsulat sa Catanduanes National High School.

Si Jhonsen Bognot ay isang manunulat sa kategorya ng Fiction. Siya ay nakapokus sa kakaibang likha ng siyentipiko at may halong pantakot.

Moreal Camba loves to jot down notes and piece together narratives from her journeys. During her first visit to Bohol, she documents a three-day pilgrimage that uncovers deeply interwoven stories of faith, resilience, friendship, and economic justice. She is currently serving as the Vice Dean for Academic and Student Affairs of the College of Arts and Sciences at the University of Asia & the Pacific.

Si Lianne Kyla P. Canlas ay isang guro at gradwadong mag-aaral na may malasakit sa pagpapaunlad ng kaalaman at kakayahan ng kabataan. Bilang isang edukador, layunin niyang hubugin ang mga mag-aaral tungo sa pagiging responsable at makabuluhang mamamayan ng lipunan. Patuloy din siyang nagsusumikap na mapaunlad ang sarili sa larangan ng edukasyon sa pamamagitan ng pag-aaral at pananaliksik.

Si John Lawrence R. Capagalan ay guro sa Filipino sa City of Bacoor National High School-Springville.

Kasalukuyang guro si Jan Henry M. Choa Jr. sa Ateneo de Manila Senior High School at tinatapos ang tesis sa digring MAEd Literature sa Philippine Normal University-Manila. Isang manunulat ng teksbuk at mga kagamitang pampagtuturo, tagasalin ng mga tekstong teknikal at akdang pampanitikan at kasapi ng KATAGA, Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas, Inc.

Nagkamit si Gerard P. Concepcion ng mga digring Bachelor of Secondary Education, MA Philippine Studies, at PhD Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nagturo bilang Visiting Professor sa Busan University of Foreign Studies sa South Korea ng mga subject sa kultura at wikang Filipino. Kasalukuyang nagsisilbi bilang Propesor at Katuwang na Tagapangulo sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman.

Si Mark Vincent E. Dela Cruz, 25 taong gulang, ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Literary and Cultural Studies sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Ilan sa kanyang mga akda ay nailathala na sa The Philippines Graphic Reader, Katitikan Journal, panitikan.ph, Mountain Beacon, at Bente-Bente Zine. Ang kanyang mga impluwensya sa pagsusulat ay sina Nick Joaquin, Alice Guillermo, at Gilda Cordero-Fernando.

Si G. Aeron James De Leon ay isang guro at mananaliksik na madalas na nakatuon sa panitikan, midya at kultura. Nakapagtapos siya ng Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon sa Filipino sa Dalubhasaang Columban kung saan din niya nakamit ang kaniyang Masterado sa Sining ng Pagtuturo sa Pamamahalang Pang-edukasyon. Kasalukuyan niyang tinatapos ang Doktor ng Pilosopiya sa Filipino major sa Panitikan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Maynila.

Taga-Guimaras Island si Noel Galon De Leon na founder at publisher ng Kasingkasing Press. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng Filipino at Malikhaing Pagsulat sa UP Visayas. Nagkamit ng pagkilala sa Carlos Palanca ang koleksiyon niya ng tula noong 2018 na may pamagat Ang Bata sa Panahon ng Ligalig: Mga Tula sa Loob at Labas ng Bayan ng San Diego. Sanday Tay Alib kag Tay Amar ang una niyang librong pambata sa wikang Hiligaynon.

Si U Z. Eliserio ay awtor ng mga nobelang Bampira! at Ang mga Alipin. Guro sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman, siya rin ay kritiko, mandudula, at tagasalin. Bisitahin siya sa ueliserio.com/books.

Si Jiellian Anne R. Enano ay nagtapos ng Bachelor’s Degree in Education sa Philippine Normal University at naging aktibong kasapi ng KADIPAN’s Sangay Salamin at Sangay Pilantik. Nagtapos naman siya ng Master’s Degree sa Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, siya ay instruktor sa Departamento ng Wika at Panitikan sa Far Eastern University.

Si Nicolas C. Gaba Jr. ay kasalukuyang full-time na guro sa University of Santo Tomas Senior High School. Kasalukuyang kumukuha ng Doctor of Philosophy in Education Major in Filipino sa University of Batangas. Pangalawang Pangulo ng Samahan ng mga Guro sa Intelektuwalisasyon ng Filipino at kasapi ng Caloocan Historical and Cultural Studies Association, Inc.

Si Jonathan Vergara Geronimo ay kasalukuyang Assistant Professor ng Filipino at Araling Pilipino sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman. Kasalukuyan siyang Secretary General ng ACT Private Schools at Pangulo ng PSLLF. Tumanggap siya ng pagkilalang Mananaysay ng Taon (2021) at Gawad Julian Cruz Balmaseda para sa Natatanging Disertasyon (2022) na kapwa iginawad ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).

Guro ng wika at panitikan si John Carlo S. Gloria (jgloria@ateneo.edu) sa Kagawaran ng Filipino, Paaralan ng Humanidades ng Pamantasang Ateneo de Manila kung saan niya rin tinapos ang kaniyang Masterado sa Panitikang Filipino. Kasalukuyan niyang binubuno ang kaniyang Doktorado sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, sa ilalim ng programa ng Panitikan ng Pilipinas. Mababasa ang kaniyang mga akdang tula at kuwento sa ilang antolohiya at dyornal sa loob ng bansa.

Si Emman Halabaso ay guro sa pampublikong paaralan sa Quezon City. Nakapagtapos ng AB Filipino sa Polytechnic University of the Philippines. Kasalukuyan, School Paper Adviser ng publikasyon ng pinapasukang paaralan.

Si Joseph Ryann J. Jalagat ay nagtapos ng MA sa Communication Arts sa UP Los Baños at kasalukuyang mag-aaral ng PhD Communication sa UP Diliman. Ang kanyang mga akda ay maaaring mabasa sa Gantala Press, Plaridel Journal, Luntian: Online Journal para sa Malikhaing Akda ng mga Guro at Gradwadong Mag-aaral, Kawing (Refereed Journal ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Ink), at sa darating na isyu ng Kasingkasing Press at Lampara House. Sa kasalukuyan, nagtuturo si Joseph sa Far Eastern University – Manila.

Si Justin Lim ay isang malikhaing manunulat ng disability studies at kasalukuyang nagtatrabaho sa Chiang Kai Shek College Center for Chinese Filipino Literature. Nagsilbi rin siyang patnugot ng relihiyon sa UST Varsitarian.

Isang dedikadong guro si Aida Marohom-Manda na dalawampu’t walong taon nang nagtuturo ng asignaturang Filipino (JHS) sa Mindanao State University- Integrated Laboratory School (MSU-ILS). Kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang Doktor ng Pilosopiya sa Filipino sa MSU-Iligan Institute of Technology. Natapos niya ang kanyang Master ng Sining sa Filipino at ang digring Batsilyer ng Sining sa Edukasyong Pansekondarya sa Mindanao State University Main Campus, Lungsod Marawi.

Guro si Jake Ronald M. Marbida ng Senior High School. Nagtuturo ng Panitikan, Oral Communication, at Research. Nagtapos ng Master of Arts in Literature sa Pamanatasan ng Bikol.

Si Janice April Mercurio ay isang Senior Program Officer sa Humanities Program ng University of Asia and the Pacific. Isa syang probinsyana mula sa bayan ng Pagbilao, lalawigan ng Quezon. Siya ay naging kalahok sa nakaraang Kathaan sa UA&P.

Rocky Nicor is a musician, playwright, and performance studies scholar from Negros Occidental, currently teaching at the University of Negros Occidental–Recoletos. His works, published in UP Likhaan, Daluyan ng Dulaang Pilipino, and Southern Voices Printing Press, explore themes of labor, memory, and identity in Philippine performance and literature. He is completing his Master’s in Culture and Arts Studies, majoring in Performance Studies at Mindanao State University–Iligan Institute of Technology.

Si Norman Vincent A. Paderes ay tubong Sariaya, Quezon. Nagtuturo siya ng Pilosopiya sa Southern Luzon State University – Main Campus. Naging writing fellow sa Palihang Rogelio Sicat 9 ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng UP-Diliman. Sa kasalukuyan, nag-aaral siya ng PhD in Philosophy sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

Naninirahan sa Tundo, Maynila, nagtapos si MJ RAFAL ng AB History at MA Filipino sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas kung saan din siya nagtuturo ng mga asignaturang Filipino, Panitikan at Malikhaing Pagsulat, at kasalukuyan ring punong patnugot ng Entrada, ang pampanitikang dyornal ng Sentro para sa Malikhaing Pagsulat ng PUP. Nailathala na sa iba’t ibang mga antolohiya at publikasyon ang kanyang mga tula, kuwento, sanaysay, pananaliksik, at mga salin. Binubuno niya ngayon ang programang PhD Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Si Larry Boy B. Sabangan ay kasalukuyang Katuwang na Propesor ng Unibersidad Pilipinas Los Banos. Naging Fellow sa mga pambansang palihan para sa Sanaysay, Maikling Kuwento, at Kuwentong Pambata. Awtor ng tulang pambatang Kat Nagpamaeaybay Ro Panumduman it Onga. Kumukuha ng PhD sa Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. May kaibigang itim na aso (Bela) at itim na pusa (Niya) sa Kalibo, Aklan.

Si Sara Mae San Juan-Robin ay isang guro mula sa Department of Language and Literature ng Far Eastern University. Laki siya sa kaniyang tita na nagdiwang ng kaniyang ika-89 na kaarawan kamakailan. Marami pa silang uungkating kuwentong lagalag sa hinaharap.

Si Mubarak M. Tahir ay isang Moro-Maguindanaon na guro, manunulat, editor, at mananaliksik mula sa Kitango Datu Piang, Maguindanao del Sur. Nagkamit siya ng Gawad Carlos Palanca noong 2017 para sa kayang personal na sanaysay na Aden Bun Besen uyag-Uyag (May Buhay pa Pala). Sa kasalukuyan ay guro siya sa Mindanao State University-Lungsod Heneral Santos at kumukuha ng Ph.D sa Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, Lungsod Quezon.

Si Danielle Z. Regalado ay ipinanganak at lumaki sa Kalibo, Aklan. Siya ay nagtuturo sa University of the Philippines Visayas sa Miag-ao, Iloilo. Kasalukuyan siyang mag-aaral ng programang Master of Fine Arts in Creative Writing sa De La Salle University.

Si Jenno Roquero ay isang proud agi/bakla. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng panitikan at pananaliksik sa Manresa School, Hijas de Jesus, Parañaque.

Nagtapos ng Masterado sa Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas, kasalukuyang tinatapos ni Mark Anthony S. Salvador ang kanyang programang doktoral, Doktorado sa Pilosopiya sa Panitikan ng Pilipinas, sa nasabing pamantasan. Kasalukuyan siyang senior lecturer sa Departamento ng Humanidades, UP Los Baños, at assistant professorial lecturer sa Departamento ng Filipino, Pamantasang De La Salle – Maynila.

Sinisikap ni John Carlo Santos na mabása ang mga epikong-bayan sa Filipinas. Mag-aaral siya ng Araling Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Tuon ng kaniyang pagtuturo at pananaliksik ay panitikang-bayan at iskolarsip ni E. Arsenio Manuel.

Si Jason A. Sebastian, sumulat ng sanaysay na “Ateng”, ay nagtapos ng kursong Batsilyer ng Agham sa Pansekondaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino sa United School of Science and Technology (USST) noong 2019. Sa kasalukuyan ay nagtuturo siya ng asignaturang Filipino sa Senior High School Department sa Emilia Belmonte Acosta National High School (EBANHS) sa Zaragoza, Nueva Ecija. Kasalukuyan din siyang kumukuha ng kaniyang Masterado sa Tarlac State University (TSU).

Mahilig sa kape, libro, musika at pelikula si Ronnel V. Talusan. Guro sa Department of Language and Literature, Institute of Arts and Sciences, sa Far Eastern University Manila. Taal na taga-San Rafael, Bulacan

Si Shaira Mae D. Villar ay kasalukuyang nagtuturo ng Filipino sa Unibersidad ng Santo Tomas-Senior High School. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Edukasyong Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Siya rin ay kasalukuyang kumukuha ng Master of Arts in Filipino sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Tungkol sa Luntian Journal

Tuloy po kayo sa Luntian Online Journal para sa Malikhaing Akda ng mga Guro at Gradwadong Mag-aaral (inilalathala ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino/PSLLF).

Basahin ang latest na isyu.

Latest posts