Ang Luntian: Online Journal para sa Malikhaing Akda ng mga Guro at Gradwadong Mag-aaral ay tumatanggap ng mga malikhaing akda gaya ng tula, maikling kuwento o dagli, sanaysay (malikhaing di-katha), at mga guhit o larawan (digital HD format) na may kaakibat na teksto.
Maaaring magpasa ng 1-3 tula na may habang di lalampas sa dalawang pahina ang bawat tula, 1 maikling kuwento na may 1-5 pahina na may laktaw ang bawat talata o 1-2 dagling di lalampas sa 1 pahina, at sanaysay na may 2-5 pahina na may laktaw ang bawat talata. Nasa sukat ng short bondpaper ang bawat pahina, 12pts., Arial o Times New Roman.
Hindi pa dapat nailalathala ang isusumiteng akda sa anomang publikasyon. Hindi rin tatanggapin ang mga akdang ipinasa sa ibang panawagan. Ang bawat ipapasang lahok sa Luntian ay sasailalim sa proseso ng double blind review o proseso ng refereeing.
