Online Journal para sa Malikhaing Akda ng mga Guro at Gradwadong Mag-aaral
Ang Luntian ay inilalathala ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Ink. nang apat na beses bawat taon (quarterly). Ito ay nagtatampok ng mga akdang pampanitikan ng mga guro at mag-aaral sa gradwadong antas.
Ito ay itinatag at inilunsad noong ika-28 ng Agosto 2020 sa pangunguna nina Dr. Ernesto V. Carandang II at Dr. David Michael San Juan. Nagsilbing tagapayong panteknikal si Dr. Rhoderick Nuncio hanggang ikalimang isyu. Buhat noong ikalawang isyu ng journal ay naging kabahagi si Dr. John Iremil Teodoro bilang Tagapamahalang Patnugot hanggang sa ikapitong isyu at naging bahaging muli ng Lupon ng mga Rebyuwer sa mga susunod na isyu. Samantalang noong ikapitong isyu ay nakasama na si G. Christopher Bryan Concha bilang Tagapamahalang Patnugot.
Naging bahagi ng ikalabing-isang isyu sina Dr. Vladimeir Gonzales bilang kasapi ng Lupon ng mga Rebyuwer, G. Gerome Nicolas Dela Peña bilang kapwa Tagapamahalang Patnugot, at si G. Mark Angeles bilang Katuwang na Patnugot.
