Disyembre 2025
[ISSN 2719-0463 (Online)]
Nilalaman
Mga Binhi ng Patnugot
Luntiang Panulaan
Hardin ng Kuwento
Sanga-sangang Sanaysay
Mga Kontribyutor
Si Louise Vincent B. Amante ay instruktor ng mga kursong Filipino sa University of Asia & the Pacific na nasa Ortigas Center, Lungsod Pasig. Naging fellow siya sa mga sumusunod na palihan: Ikatlong Palihang Rogelio Sicat (2010), 11th Iyas National Writers Workshop (2011), 20th Iligan National Writers Workshop (2013), 10th La Salle National Workshop on Art and Cultural Criticism (2022), at Ika-4 na Saling-Panitik: Palihang Bienvenido Lumbera (2024). Kasalukuyan siyang officer-in-charge ng Angono Tres-Siete Poetry Society at kasapi ng Neo-Angono Artists Collective.
Nagtapos si Lita A. Bacalla ng Doktor sa Pilosopiya sa Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU). Natamo rin niya ang Doktor sa Sining ng Panitikan at Komunikasyon sa Pamantasan ng Cebu Normal (CNU) at sa nasabing pamantasan din niya natapos ang Master sa Sining sa Filipino (Panitikan). Kinatawan sa Visayas ng mga Direktor sa Sentro ng Wika, Kultura, at Pagsasalin (Komisyon sa Wikang Filipino).
Si Emersan Baldemor ay isang multidisciplinary artist, manunulat, at iskolar na ginawaran bilang Pambayang Alagad ng Sining 2024 ng Paete at 3-time grantee ng National Commission for Culture and the Arts. Isa siya sa mga fellow ng Palihang LIRA 2025 at ng UPLB 1st Makiling National Writers Workshop on Art and Cultural Criticism, at tumanggap din ng ikalawang gantimpala sa Sanaysay ng Taon 2025 ng Komisyon sa Wikang Filipino. Nagtapos siya ng Master’s in Education at kasalukuyang kumukuha ng Masterado sa Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman, habang aktibong nakikibahagi sa kritikang pampanitikan at mga gawaing sining at pangkultura.
Si Roland L. Bautista ay mas kilala sa tawag na sir “Chooks” na kaniyang palayaw. Siya ay nagtapos ng masterado sa DLSU – Manila at ang kaniyang mga pananaliksik ay nakatuon sa Kasarian at Sekswalidad. Nais niyang mapaghusay ang kaniyang kasanayan sa malikhaing pagsulat. Kasalukuyan siyang guro sa National University.
Mag-aaral ng Doktoradong Programa sa Southeast Asian Studies ng Centro Escolar University habang nagtuturo sa Central Luzon State University si Marian A. Caampued. Marami sa kanyang mga tula ang nailathala sa Sunday Inquirer Magazine at ang pinakahuling malikhaing di piksyon ay nakabilang sa NCCA Agwat Hilom na inilathala noong pandemiya.
Nakapagtapos si Chester E. Ceriales ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa St. Paul University Dumaguete. Nakapagpatuloy at nakapagtapos ng Gradwadong Pag-aaral (Master of Arts in Education – Filipino) sa Foundation University. Kasalukuyang nagtuturo bilang Teacher 1 sa Bagtic National High School, Mabinay, Negros Oriental.
Si Jessa Miranda Daguno ay isang guro sa College of St. Catherine – Quezon City. Kasalukuyang nagpapakadalubhasa sa Polytechnic University of the Philippines – Sta. Mesa sa programang Master of Arts in Filipino (Wika). Bilang alagad ng sining at kulturang Pilipino, inilublob niya ang kanyang sarili bilang visual artist ng Sining Batambobong, at bilang bahagi ng program & workshop committee ng Artguro Philippines.
Guro si Daniel Avila De Guzman sa Bignay National High School. Nailathala na ang kanyang mga akda sa Aklas ng The Torch Publications, Liwayway Magazine, Magkasintahan Vol. 17, Ang Hinaharap sa Isang Iglap 2020, TAKOS Vol. 4 ng NEUST, Ani 42 ng CCP, at Luntian Journal Isyu 11 at 12.
Si Aeron James De Leon ay isang guro at mananaliksik sa lungsod ng Olongapo probinsya ng Zambales. Mula sa hilig nito sa pagbasa tinawid niya ang larangan ng pagsulat ng panitikan na isang kasanayang patuloy pa niyang nililinang. Kasalukuyan niyang tinatapos ang Doktor ng Pilosopiya sa Filipino major sa Panitikan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Maynila.
Manunulat, mananaliksik at tagapagtaguyod ng wika. Puno ng Departamento ng Bachelor of Arts in Literary and Cultural Studies. Full time Professor IV sa Instityut ng Linggwistika at Literatura, ng Nueva Ecija University of Science and Technology si Dr. Marianne R. De Vera.
Nagtapos si Eduard Escuadra sa Bulacan State University – Malolos Campus sa kursong Batsilyer ng Sining sa Literatura: Malikhaing Pagsulat. Sa ngayon, isa siya sa kawani ng Special Services Section (Book Numberings)—Bibliographic Services Division ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Kasalukuyan naman siyang nakaenroll sa National Teachers College sa programa ng Certificate for Professional Teaching, at patuloy rin siyang nakikibahagi (at sumusulat) sa mga usapin hinggil sa bagyo at baha.
Si Geramy B. Espiña ay guro sa Laoang National High School sa Hilagang Samar at iskolar ng NCCA–PCEP sa Pangkultural na Edukasyon. Nagwagi ng unang gantimpala sa Ibabao Writers’ Workshop 2024, naging delegado ng Hilagang Samar sa Philippine Book Festival in the Regions sa Bikol, at fellow ng Akdaan 2025 ng De La Salle University – Manila.
Si John Harold O. Francisco ay isang DepEd Teacher 1 sa Limpapa National High School – Latap Annex. Isa siyang Book Author ng Ukiyoto Publishing kung saan ay isinulat niya ang aklat ng mga tula na pinamagatang “Naglalakbay din ang Aking mga Tula sa Mundo ng Kariktan”. Nagsilbing Resource Speaker ng taunang Division level Seminar – Workshop na may kaugnayan sa “Development of Storybook” na inorganisa DepEd Zamboanga City Schools Division sa loob ng dalawang magkasunod na taon, 2023 at 2024.
Si Schedar Jocson ay kasalukuyang Tagapangulo ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman. Siya rin ay nagtatapos ng kaniyang doktoradong digri sa Filipino: Pagsasalin sa nasabing institusyon.
Si Rodel D. Maquilan ay isang guro sa Filipino sa JHS at SHS ng Saint Joseph School Lungsod Naga. Nagtapos siya ng BSE Major sa Filipino sa Ateneo de Naga University at Masters in Education Major in Filipino (CAR) sa nabanggit na paaralan. Naging bahagi rin siya ng Palihang Rogelio Sicat 7 noong 2014.
Si Christian Philip A. Mateo ay kandidatong fakulti sa Departamento ng Filipino, Pamantasang De La Salle, Maynila. Natamo niya noong 2022 ang andergradwadong digri sa Araling Pilipinas medyor sa Filipino sa Mass Media at kinilala ang kaniyang pananaliksik bilang pinakamahusay na tesis. Kasalukuyan siyang estudyante ng antas masterado sa Araling Filipino – Wika, Kultura, at Midya sa parehong pamantasan.
Si Merdeka Morales o mas kilala sa tawag na “Dekki” ay guro ng Filipino at Panitikan sa PUP Sta. Mesa at kasalukuyang Chief doon ng Center for Creative Writing. Nagsilbi siya bilang kabahagi ng Executive Council Member ng NCCA-NCLA mula taong 2017 hanggang 2022. Ang ilan sa kanyang sanaysay at malilikhaing akda ay mababasa sa TOMAS Journal ng UST, ilang publikasyon ng NCCA-NCLA, Entrada Journal ng PUP-CCW, Liwanag at Itim ng UP-ICW Philippine Writers Series, mga lumang zine at kuliti.art.
Si Gabriel Mari Oblefias ay isang freelance writer, director at guro ng Multimedia Arts sa De La Salle – College of Saint Benilde at kasalukuyang mag-aaral ng MA Malikhaing Pagsulat sa University of the Philippines Diliman. Nailathala ang kaniyang mga kuwento sa mga antolohiyang DX Machina 3: Literature in the Time of COVID-19, Anti-Katha: Agos sa Experimental na Kuwento sa Pilipinas, Pasakit, Malasakit: Pagkatha ng Pandemya ng Pilipinas ng University of the Philippines Press, at sa Dalin Journal ng Literature Educators Association of the Philippines.
Si Rommel A. Pamaos ay guro sa Luis A. Ferrer National sa bayan ng General Trias, Cavite. Manunulat siya ng mga kuwentong pambata, maikling kuwento at sanaysay. Nakatira siya sa Tanza, Cavite kasama ang kanyang mga anak na sila Mayari Laya, Mayumi Diwa at ang mga asong sila Missile at Magic.
Si Allan Justo Pastrana ay isang manunulat, musikero, at guro. Siya ang may-akda ng Body Haul (UST Publishing House) at Field (Good Intentions Books). Nagtuturo siya sa Ateneo de Manila University.
Si John Carlo V. Pineda ay Kapampangan writer na mahilig kumanta at magsulat ng kabaklaan.
Si Adrian Pete Medina Pregonir ay isang edukador at manunulat sa wikang Hiligaynon, Kinaray-a, at Filipino mula sa Banga, South Cotabato. Nagkamit ng mga gantimpala ang kaniyang mga tula at sanaysay sa Gawad Bienvenido Lumbera, Gawad Rene O. Villanueva, Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, at noong 2024 ay hinirang na Makata ng Taon sa Talaang Ginto ng Komisyon sa Wikang Filipino. Siya ay tagasulong ng pagbabasa at pagsusulat gamit ang katutubong wika sa Rehiyon Dose.
Kasalukuyang tinatapos ni Marjorie R. Resuello ang kanyang Doktor ng Pilosopiya-Edukasyong Pangwika sa Pangasinan State University, School of Advanced Studies. Nagtuturo sa pampublikong paaralan bilang Guro III ng Junior High School. Patuloy na pinagyayaman ang kanyang kaalaman at pagpapabuti sa napiling larang.
Si Lari Sabangan (Larry Boy Sabangan) ay kasalukuyang Kawaksing Mananaliksik ng Unibersidad (URA I) sa Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman. Naging Fellow sa mga pambansang palihan para sa Sanaysay, Maikling Kuwento, at Kuwentong Pambata. Awtor ng tulang pambatang Kat Nagpamaeaybay Ro Panumduman it Onga. Kumukuha ng PhD sa Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. May kaibigang itim na aso (Bela) at itim na pusa (Niya) sa Kalibo, Aklan.
Si Christian Jay D. Salazar ay isang gurong naninirahan sa Valenzuela. Mahilig siyang magbasa at magsulat tungkol sa panitikan, kritisismo, at kasaysayan ng libro. Kasalukuyan siyang kumukuha ng masterado sa UP Diliman.
Nagtapos ng Masterado sa Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas, kasalukuyang tinatapos ni Mark Anthony S. Salvador ang kanyang programang doktoral, Doktorado sa Pilosopiya sa Panitikan ng Pilipinas, sa nasabing pamantasan. Kasalukuyan siyang senior lecturer sa Departamento ng Humanidades, UP Los Baños, at assistant professorial lecturer sa Departamento ng Filipino, Pamantasang De La Salle – Maynila.
Si Michael Andio Tagalog Suan ay kasalukuyang bahagi ng kaguruan ng Filipino sa Unibersidad ng Santo Tomas Senior High School, at kasalukuyan niyang kinukuha ang kaniyang programang masterado sa UP Diliman. Siya ay isang mananaliksik at manunulat ng iba’t ibang likhang pampanitikan. Napasama na rin ang ilang mga likha niya sa iba’t ibang publikasyong pangliterari – ang isa sa mga akda niya na may pamagat na “Isla ng Pagtatama” ay nailathala sa ika-41 na Tomo ng Ani Journal ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.
Si Janelle Tanguin ay kasalukuyang kumukuha ng kaniyang masterado sa malikhaing pagsusulat sa De La Salle University. Naging fellow siya sa iilang pambansang palihan tulad ng ika-21 na Ateneo National Writers Workshop at ika-12 na Saringsing National Writers Workshop. Mababasa ang ilang mga tula at sanaysay niya online.
Si Janet Tauro-Batuigas ay isang buang na Nanay ni Ludwig at Rielle, makulit na partner ni Ritchie at nagpapanggap na manunulat. Siya ay nakabase sa NZ at nagtatrabaho bilang Academic Advisor sa NMIT. Gusto na niyang umuwi sa Pinas.
Si Leupoldo Jr. V. Turla ay isang lisensyadong guro at manunulat sa Wika at Panitikang Filipino. Nagtapos sa PNU-Manila at kasalukuyang nagsusulat ng tesis masterado sa PNU-Manila. Kasalukuyang guro sa pampublikong paaralan sa Cavite.

Leave a comment